Tuesday, May 5, 2009

AKO MISMO!

AKO... IKAW... Magkaisa TAYONG mga Pilipino! Tama na muna ang pormahan, ang gimikan, ang asaran, ang kulitan, tama na muna ang walang kakwenta kwentang bagay! Makisama ka para saating bansa.

Matatawa ka man sa mga pinagsasabi ko. Pwes hindi to korny o kung ano ano pang ilusyon. Ikaw?! Nahihirapan ka na ba? Marami ka bang gustong makamit? Nawiwindang ka na ba sa mga ginagawa ng mga maruruming pulitika? Sawang sawa ka na ba magreklamo? Nababanas ka na ba sa puro salita na wala namang ginagawa?

Hindi mo na ba napapansin ang lupa na kung saan ka isinilang? Kinakalimutan mo na ba ang responsibilidad mo?! Ano nga ba't para saan ito?! Nalilito ka na sa buhay mo at ito na ang paraan upang maituwid ang mga kamalian sa sarili.. hindi lang sayo kundi para sa ikabubuti ng ating bansa.

Noong isang gabi habang ako ay nagpplurk ay may isang bagay na pumukaw ng aking atensyon. Wala akong idea kung ano nga ba 'tong link na napasok ko... at ito ay ang "AKO MISMO". Ito'y isang website na kung saan ang mga pilipino ay nagrehistro at umako sa kani-kanilang pagkikilos para sa ikauunlad ng ating bansa. Hindi ito survey o ano mang aggreement para sa isang project ng government. Ito ay agreement, pagsasaad ng ating commitment para sa ating bansa.. Tayo mismo ang kikilos.. Ikaw kapatid? Ano ang gagawin mo para matulungan ang Pilipinas?

Mahigit 52,000 pledges na ang nasa site.. at parami na ng parami ang mga pilipino na nakikisimpatya para sa ating kinabukasan at lalong lalo na sa ating bansa. Makisama na dito at panindigan natin ang ating sarili. Huwag na tayo umasa at maghintay sa wala.. Tayo na mismo ang sumulong at umaksyon.. Kahit isang butil na kooperasyon ay katumbas na ng napakalaking bagay para maingat ang ating bansa.

Huwag sana tayo makornyhan... Para din po ito sa lahat.... mga mamamayan natin na lugmok sa kahirapan... mga nangangailangan ng tulong sa ating paligid.. AKO.. IKAW.. TAYONG lahat magkakasama...

Kung gusto niyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa "AKO MISMO"
Link here:
http://www.abs-cbnnews.com/features/05/05/09/ako-mismo-campaign-questioned-over-privacy

Sample Wall of Commitments

1 comment:

Anonymous said...

You rock!!!

Google Analytics

There was an error in this gadget

Online Gaming World

WEB ADS

 

Camille Le zAYTie. Copyright 2008 All Rights Reserved Revolution Two Church theme by Brian Gardner Converted into Blogger Template by Bloganol dot com