Ok. This is all about hell. Yeah!~ This is HELL!
Sorry for those people who will read this. It's the continuation of GET A LIFE blog entry. Again, let me remind you that it contains explicit contents and not worthy to see especially for young ages.
Let me use words that may irritate your sense of hearing.
Ok? Shall we start?
Take a deep breathe and prepare to be assimilated...
Sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ako naging isang malaking TANGA! Oo. Inaamin ko sa sarili ko na naging TANGA ako. Masama ba magMAHAL at maging TANGA sa loob ng 5-taon na akala mo yun na yon?! Nakakatawa diba? Matatawa kayo kung gaano ako naging BULAG at TANGA.
Nagmahal ako ng taong hindi naman pala TALAGA karapat-dapat para saakin. Ilang beses ko na naririnig sa mga matatanda ang mga ganitong kasabihan:
-- "Bata ka pa! Marami ka pang dapat malaman"
"Napagdaanan na namin yan, sa pagtanda mo, makikita mo sarili mo at matatawa ka nalang sa nangyari sayo -- sana nakinig ka noon pa!"
At ngayon ako'y nadapa.. Oo.. Yung tipong hindi ka na makabangon sa sarili mo dahil sa ginawa ng minahal mo ng buong buo. Ano ngayon? Wala! Isang malaking katangahan ang pagpasok ko sa 5-taong relationship.
Hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang mga pananakit - pambubugbog n'ya saakin. Minsan nga'y ako'y sinakal n'ya. Sinampal sampal ako sa harap ng kanyang ina. Sinuntok ako hanggang sa magkapasa. Nagpakatanga ako sa sarili ko. Tinapakan ang pagkababae ko pero pilit ko parin s'yang minahal. Dahil iniisip ko, na balang araw, maiisip din n'ya na mali ang mga ginagawa n'ya. Umaasa ako na may isang bukas na matututo s'yang magpahalaga ng taong nagmamahal sa kanya ng tunay.
Umasa ako kaya ako naging ganito. Pero anong nangyari? Ginamit lang pala ako. Mga pananakit sa akin... Mga pasa sa braso ko, mga bakas ng kamay sa pisngi ko, mga bukol na itinago ko... Nagsinungaling ako sa mga magulang ko para pagtagkpan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero wala...
May batas sa PagMAMAHAL? Na bawat pag-ibig na binabahagi mo sa tao ay dapat suklian din ng sapat? Wala naman diba? May batas ba sa pagiging TANGA? Nagmahal ka lang at ang nais mo lang ay maging masaya sa piling n'ya pero binaliwala lang.
Sa taong minahal ko ng buong puso ko, ngayon, anong ginagawa mo? Nagpapakasaya ka sa sarili mo. Sige. Panalo ka na.. Nakuha mo na ang lahat. Magpakasaya ka.
Ikaw pa ang malakas ang loob magsabi ng mga bagay na dapat isaloob mo na lamang? Ano ka? Nililinis mo sarili mo? at pagtakpan ang mga pang-aaping mga ginawa mo sakin?
Sa mga magulang ko na nagtatrabaho para mapagtapos ako sa pag-aaral at mabigyan ng magandang kinabukasan? Ano ang mga pinagsasabi mo sa likod nila? Sinisira mo! Eh ano naman kung nagtitinda ang tatay ko ng Nilagang Baka? Ano ba magagawa namin kung mahirap lang kami at kumakayod araw-araw para matustusan ang pangangailangan sa sarili?
Eh ikaw? Ano ba dapat mo ipagmalaki? Ang mga lupain ng ama mo? na ang mga pera ay ginagastos sa mga babaeng gamitan? Mga bahay at lupa na hindi naman permanenteng inyo? Mga kayabangan na ang pamilya n'yo ay mas angat? Mga kayabangan na mayaman kayo? NOON YON! At ang nanay mo na naghanap ng makakasama sa ibang bansa para lang masabi na hindi na kayo mahirap?! Na para ipamukha ng nanay mo na nasa ibang bansa na s'ya at hinihintay na lamang mamatay ang foreigner na kinakasama n'ya para sa kanya na ang pera? Yan ba ang pinagyayabang mo?
Ang ate mo na magaling manghiram ng mga gamit sa nanay ko? Na pagkatapos humiram ay hindi marunong magsauli? At nagtatago pa at hindi nagrereply sa txt? Yan ba ang sinasabi mong "may breeding" kayo?
Kami ay marangal, nakatira man sa ganitong lugar, marunong kami rumespeto ng mga taong pumupunta sa bahay namin. Eh ano tawag d'yan sa inyo? Papahiyain ako kapag pumupunta d'yan... Ano bang tama ang ginawa mo?
Hindi ka nga marunong sa sarili mo! Isa kang malaking INUTIL! Ako ang nagturo sayo para magtrabaho. Tinuruan kitang tumayo sa mga paa mo at tinanggap kita kung anong klaseng tao ka.Pinilit kong takpan ang mga bulag kong mata na maging lalo pang maging bulag.
Kung ibang babae lang ang naging karelasyon mo, at ginagawa mo yung mga bagay na hindi karapat dapat gawin ng isang marangal na lalaki... Malamang... matagal ka nang nasa may kaso...
Hindi mababayaran ang mga pang-aaping ginawa mo sakin. Bulag man ang hustisya. Mababayaran ito ng higit pa sa buong buhay mo. Pera? Madali yan mawala... nand'yan lang yan... pero ang kaparusahan bilang tao.. (kung tao ka man)... kahit mga HAYOP, umaako ng mabibigat na paratang sa buhay... Hindi man ngayon, may araw karin..
Ang babae -- maraming mawawala.. Oo.. Marami... Alam ko sa sarili ko na nagmahal ako ng buong buhay ko. Nagbingi bingihan sa magulang ko. Nagkasala din ako sa mga magulang ko... mas inuna pa kita kaysa sa kanila.
Kung anoman ang tinatawa mo ngayon, ay s'ya ring kabaligtaran nito.
TO BE CONTINUED....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment